Wednesday, July 11, 2018

I-Witness: Ang Lihim ng Lumang Tulay

Aired: May 20, 2013

May isang panahon sa kasaysayan na ang Pilipinas ang pinaka magandang bansa sa Asya. 300 na ang nakalipas simula ng tawagin ang ating bansa na ‘Perlas ng silangan’. Kung nais mong balikan ang bakas ng nakaraan, maaari natin itong hanapin sa mga lumang estraktura, sa mga simbahan at tulay
na itinayo ng mgakastila. Nandyan at nakatayo parin ang ilang simbahanpero ang iilang mga lumang tulay, nasaan na? At saan na natin makikita?

Matatagpuan sa bayan Mahayhay sa Laguna ang isa sapinaka matandang simbahan sa Pilipinas. Ayon sakasaysayan, kilala rin ang Mahayhay dahil sa isang misteryosong tulay na minsan ring banggit sa akda ni Dr. Jose Rizal na ’El Filibusterismo’. Ang tulay na kung tawagin ay 'Puente de Capricho’ na ginawa noong taong 1851.

Pero sa panahon ngayon, konti nalang ang
nakakakilala sa tulay na ito. Ayon sa mga taga-Mahayhay, may alam daw silang tulay ng mga Kastila pero hindi Puente del Capricho ang tawag nila dito kundi Tulay Pigi.

Ang totoong pangalan ng tulay na ito ay Puente delCapricho, pero ang tawag nang mga tao dito ay TulayPigi.

Ang tulay na ito ay malapit sa tambakan
ng basura sa Mahayhay. Hindi natuloy ang pag-gawa sa tulay itonoong pahanon ng kastila kaya hugis arko lang ang natapos. Ang ginawa ng mga tao, gumawa sila ng foot bridge na gawa sa kahoy o kawayan, sa parehong dulo para makadaan ang mga tao.

Kakailanganin pang tahakin ang masukal na
bangin para makita ang kubuuan at kagandahan ng tulay. Kahit namatagal na itongginawa at hindi ito natapos, nakatayoparin ito at lumalaban sa bangis ng bagyo at lindol. Talagang nakakamangha ang tulay na bato dahil parakang bumalik sa nakaraan, isa itong saksi sakasaysayan noong unang
panahon.

“Nariyan sa probinsya and Puente del Capricho

na ginawa ng isa naming kapatid na Pransiskano.

Hindi ito natapos dahil sa pinintasan ng mgamarurunong na tao.

Mahina raw at mapanganib

Ngunit sa kabila noon,

nariyan pa rin ang tulay

lumalaban sa lahat ng baha at lindol.”

Ang mga katagang ito ay nasa unang parte ng ElFilibusterismo. At ang tulay na tinutukoy ni Dr. JoseRizal na Puente del Capricho ay ang Tulay Pigi
sa bayang Mahayhay sa Laguna. At ayon mismo sa libro natinayo ang tulay na ito noong 1851 sa ilalim ngpamamahala ng Pransiskanong si Padre Victoriano del Moral, sabi rin sa libro ay malupit daw ang paring iyon. At kaya hindi natapos ang pag-gawa sa tulay na ito (isang arko lang ang natapos) ay dahil sa nag-aklas ang mga Indio laban sa Prayle dahil  sa kanyang pagmamalupit.

Tulay Pigi ang tawag ng mga taga Mahayhay
dito dahil hindi makabuhat ang mga tao noon, hinahampas ng mga Kastila ang mga Pilipino gamit ang kawayan sa pigi para magtrabaho. Dahil noong unang panahon, alipin talaga ang mga tao ng mga Kastila. Naalala ko noong kinukwentuhan pa ako ng nanay ko tungkol sa lola niya. Kapag dumating
na ang mga Kastila, nananago na ang mga
Pilipino pero sa oras na mahuli ka nila mapipilitan kang mag-trabaho ng wala man lang bayad.

Sa taas ng Puente del Capricho, hindi ko lubos maisip kung paano nagawa at nakaya ng mga ninuno ang pagtayo sa lumang tulay na iyon, ng mano-mano. At doon ko naintindihan ang lihim ng tulay, na dahil sa Caprichong isang Prayle maraming Indio ang kailangang magdusa sa pigi.

Naglibot ang Arkitektong si Manuel Noche sa buong Pilipinas para pag-aralan ang mga unang tulay sa ating bansa.

“The construction technique is classical to a certain extent. So, ito yung mga technique na ginagamit pa samga lumang simbahan sa europa, mga technique na ginagamit pa sa mga lumang gusali, that stands until centuries now in europe. Yun ang dinala ng mga Kastiladito.” —Architect Manuel Nocha, Author of “Puentes deEspaƱa en las Filipinas”

Sa pag-aaral ni Architect Manuel Nocha, malaki ang papel ginampanan ng mga tulay sa panahon ng pananakop. Tulay rin ang naging daan upang makabuong mga pueblo, na kalaunan ay naging dahilan ngpaglaganap ng Kristiyanismo. Kaya naman kung saan may tulay, kadalasan nandun din ang simbahan.

Pero hindi lang Mahayhay ang may ganitong
klaseng kasaysayan. Noong panahon ng mga kastila, may isa pang bayan na minsan ding pinaglagian ng mga Espanyol. Isang bayan na kung tawagin noo'y La Muy Noble Villa de Tayabas.

“Isa sa mga inayos noong panahon ng mga Kastila ay ang mga tulay/daanan. Dahil kung magmumula sila sa Bicol papuntang Maynila, ang karwahe ang kabayo niladadaan ng Tayabas, at mag-hihimpil sila ang usual napahingahan nila ay ang Mahayhay. Kaya kung mapapansin mo rin, maganda pa rin yung mga tulay hanggang Mahayhay. At malaki din ang simbahan ng Mahayhay. Ito yung regular na ruta noong panahon ng Kastila.” —Ryan V. Palad, Historian, Tayabas, Province of Quezon.

Noong panahon ng panunungkulan ng mga Kastila dito sa Pilipinas, meron ring pinaka mahabang tulay. At ang tawag doon ay Puente de Malagonlong na tinayo noong taong 1840, na matatagpuan sa Tayabas, Quezon.

“Puente de Malagonlong built 300 years ago is the longest spanish colonial stone bridge in the country.”

Sampung taon pinantay ang Puente de Malagonlong, ang pinaka mahabang stone bridge noong panahon ng mga Espanyol. Gawa ang tulay sa malalaking tipak ng bato, at kung susuriin ay ginawa lang ito ng mano-mano at ng hindi gumagamit ng makina. Hindi tulad ng mga tulay ngayon na may makinang taga-buhat pa, pero ang mga tulay noon ay mano-mano lang ginawa ng mga ninuno nating Pilipino. Noong panahon, wala pang semento at iba ang ginagamit ng mga ninuno natin pangdikit sa mga malalaking tipak ng bato para makabuo ng isang malaking tulay, yung “Apog” na tinatawag nila. May mga misteryong sulat rin na naka-ukit sa ilalim ng arko ng tulay. Kung sino man ang umukit non ay parte sila ng mga mang-gagawa noong binubuo ang tulay na ito.

Ilang lindol at baha man ang lumipas matayog paring nakatayo ang Puente de Malagonlong.

“Ang pinaka ipinagmamalaki talaga ng Tayabas ay yung Malagonlong, dahil siya lang yung pinakamahaba at pinakamaganda tulay sa buong Pilipinas. Ito yung identity ng mga Tayabasin, dito namin pinapakita na kakaiba yung bayan—kakaiba yung pagiging worker ng mga taga-Tayabas at kakaiba rin sa pagtatayo ng mga tulay.” —Ryan V. Palad, Historian, Tayabas, Quezon City.

Ang tulay ng Malagonlong ay ilalaban dapat nila na UNESCO World Heritage Site, pero ang problema hindi na daw ito pwede kasi meron pang nakatayong tulay sa gilid nito, na pinatayo pa daw ng gobyerno.

“Dapat na-preserve yung buong area ng tulay. Malaking potensyal nung bridge kasi nga nung walang ganon dito sa Pilipinas eh, destroyed na yung visual setting niya eh. Hindi na siya authentic na sasabihin mo yung buong area niya ay na-preserve.” —Ryan v. Palad, Historian, Tayabas, Quezon City.

“Puente de Malagonlong was started in 1841 and finished in 1850. During the incumbency of Gobernadorcillo Don Julian S. Francisco .” —History of Malagonlong Bridge.

Dahil sa pag-unlad at progreso ng Pilipinas ngayon, nalimutan at naisabahala na ang dating proseso sa pag-gawa ng mga tulay dahil may mga makina ng pwedeng pag-gamitan ng tao para mas mapadali ang pag-gawa.

Matapos kong mapanood ang buong episode ng I-Witness, matapos mamangha sa mga angking ganda ng mga estratura ng lumang tulay noon, at matapos malaman ang kwento sa likod ng bawat isang arko, nalaman ko na ang saysay ng tulay ay hindi lang para makatawid sa patutunguhan, kundi para rin maitawid ang mga kwento ng nakaraan. Ang bawat arko, bawat adobe at bawat bato ay parang libro ng kasaysayan. Patunay kung gaano kagiting ang ating pinagmulan at kung saan tayo dadalhin ng kinabukasan kung marunong lang tayong magpahalaga sa nakaraan. Marapat na ito ay panatilihin dahil bukod sa makakatulong ito sa madaliang transportasyon mag sisilbi din ito bilang isa sa mga makasaysayang istrakturang nalikha ng mga tao noong unang panahon.

Source: https://www.youtube.com/watch?v=8Q2WU_gvSaU&t=747s

No comments:

Post a Comment